Thursday, April 23, 2009

Mafia vs Blogging

Mula nung natuto or natuklasan ko mag Mafia sa Facebook [thanks to Merwin] parang nakalimutan ko na mag post sa journal ko. ehehehe. parang script blocker pala yun o sadyang addicting sya o sadyang adik lang ako. Well, kahit pa sabihin pa ng family friend [aka ampon] nila Mannix na si Louies na ang boring nya laruin kasi click ka lang ng click eh nilalaro ko pa din. abah! mahirap kayang mag pa taas ng level [87 na ako] lalo na pag wala ka masyado friend sa facebook at yung konting friends mo eh ayaw pang makisawsaw sa boring na larong mafia. gugulpihin ka lang nga ibang mafia family.
 
Well, may natutunan naman akong mga bagay:
1. Ang pahabain ulit ang pasensya ko. kasi pag naubos na ang energy mo. mag aantay ka ulit ng ilang oras bago dumami.
2. Gulpihin at abangan sa kanto ang mga mas maonting mafia kesa sa akin. na wag silang tigilan hanggat kaya pa ng powers mo. ang totoo kasi sila lang ang kaya mong talunin kahit pa gano kataas ang level mo pero maunti naman ang mafia members mo taloka pa din.
3. Mamalimos ng energy pack. mag makaawa. o kaya bigyan mo din sila ng energy pack para ma konsensya sila at maisipang bigyan ka din.
4. at higit sa lahat, mag add ng friend request kahit ndi mo friend. [Just for the Mafia]
 
adik di ba ? di bale ... matitigil din tong kalokohan natoh pag lagpas ko ng level 99... mmm... may bagong jobs daw after ng level 99... anu kaya yun? teka time to keep up... [alt + tab] ....
 
o cya maya na lang ulit may nagbigay ng energy pack! yepey!


2 comments:

KissyLove said...

mafia vs. mybrute hahaha.. pag ubos na ang energy ko brute naman ako sa dami ng account ko di ko napapansin pwede na ulit ako sa mga jobs ;))

Chec said...

Mas lalo naman ang mybrute wala ka gagawin kundi panuorin matalo ang character mo ... yun nga lang at least ndi ka pindot ng pindot... Iba pa din talaga ang RPG GBA ko :D

Post a Comment