Thursday, July 7, 2011

Coron, Palawan - Day One

Sunday, July 3, 2011
Itinerary
3:30 pm – See the town.
5:00 pm - Go up Mt. Tapyas for a panoramic view of the town and the islands
6:30 pm – Makinit Hot Spring
8:00 pm – Dinner at the lodge

The Experience.
Finally, after days of praying na sana maganda ang panahon during our stay in Coron... natuloy na din sa wakas. Maulap pero maaraw pa rin naman nung Sunday.



First time ko na last call sa flight, medyo nalate kasi kami kasi kumain muna kami ng lunch sa Pancake house. Ang tagal ng serving as usual. kaya ayun 12:15 na kami halos natapos. Pagkapasok namin ng immigration, konting picture taking at lakad tourista... hanggang sa i-annaounce na ang mga names namin dahil dapat eh nasa boarding gate na kami 30 mins before flight schedule. buti ndi naman kami yung huli.


We landed at Busuanga Airport ahead of schedule. swerte! We had our late lunch[again] at Coron Village Lodge then off to our first destination. Mt. Tapyas... Medyo ndi kami na orient na 724 steps ang kelangan namin akyatin kaya super dala kami ng bag.. we thought konting akyat lang then hot spring... medyo na shock lang kami nung nalaman namin na mega akyatan pala ang mangyayari... pati mga natutulog namin mga muscles at taba gulat na gulat!


Okei pa kami nung umpisa. habang dumadami ang baitang eh unti unting bumibigat din ang mga paa ko. Bawat upuan ata, along the way, bongang pahinga kami. Feeling ko kasi mag co-collapse ako. Ako na walang excercise at gymn! hahahaha! Good luck talaga di ba!? Pero lahat ng bagay nakukuha sa tyaga at determinasyon. kaya narating namin ang tuktok ng bundok after more or less 45 mins.


Worth naman pala ang aming pagod at hirap. We saw the sleeping giant, na according kay Christian eh me 2 inches lang na "toot toot". We saw the reclamation area na two years daw tinambakan and also the overlooking view on the town of Coron. Ang ganda!


Rest ng konti. Syempre ndi pwedeng walang jump shot! Kaya kahit namulikat ang mga binti eh go! sa 1..2..3..jump! Bago mag takipsilim eh bumaba na kami ng 724 steps ulit. Parang mas mahirap yung pababa kasi yung bigat mo sa paa lahat ang suporta unlike pag paakyat pede ka humawak sa railings at hilahin ang sarili mo.

After bumaba ng bundok eh dinayo na namin ang Makinit Hot Spring. Infairness! "HOT" talaga sya! Every 10mins daw kelangan mo umahon kasi nakaka dehydrate sya. then kelangan din basain ang ulo para ndi umakyat ang dugo. Sa unang lusong mo sobra sa init pero pag naka adjust na yung body mo carry na.


Before 7:30pm balik na kami sa lodge for a buffet dinner. We had beef rendang, coleslaw, and breaded fish. Yummy! and the unlimited coffee! At dahil mahaba haba pa ang gabi, we decided to play cards [Tongits]... may tayaan syempre. At first medyo talo ako... pero the last hits, ako na nakakuha! panalo pa din ako! woohoo!!!

Then we call it a day. Kelangan na mag rest para sa matinding laban sa day two. :)

2 comments:

rheena said...

thanks for sharing..this has been very helpful. we are off to coron this month pero wala pang decided place to stay. can i ask? how much did u pay for ur entire trip (kasama na room rates and tour packages)? thanks

Chec said...

Hi Rheena, nakakuha kami ng package ng Coron Village for Php7k per head (group of 4). Lahat na yun (food, room, entrance fee, boat fee, tour guide). Enjoy!

Post a Comment