Itinerary
Coron Island Loop Tour
A. Siete Pecados
B. Cayangan Lake
C. Twin Lagoons
D. Atwayan Beach
My Experience.
On time kami for breakfast syempre. Sabi nila 7:30am eh. We had beef tapa, egg and fried fish. After ng change costume, we're off to Coron Island tour. Una naming pinuntahan ang Siete Pecados. It literally means "seven sins". According to google, seven sisters were punished after swimming against their parent's will. They were drowned and become seven island. Hmmmnn.
This is my first try to go down from the boat and see the corals below the sea. Well, scared ako sa umpisa pero after ibigay ni kuya ang life bouy can eh nakalayo na din ako ng boat. Kelangan daw namin mag praktis ngayon palang kasi bukas puro under water kami.
Lunch namin sa Atwayan beach. maganda yung sand dito... pino. Although maliit lang yung beach, relaxing pa din ng feeling. napakain din kami ng madami sa sarap food na dala ng aming tour guide. Inihaw na pork, pancit and seaweeds (lato ata tawag). Konting swimming at picture taking. maaraw naman. dito din cguro ako nag ka sunburn.
Last destination namin ang Twin Lagoons. Medyo effort din para makarating ka sa kabilang ibayo. Either sa ilalim ka dadaan... under water for 5 seconds or aakyatin mo yung rock na may more or less 15 steps at makipot na daan. Syempre naman matapang kami. inakyat namin! hahaha! Medyo nagkaroon ng konting tensyon kasi nahirapan si Mannix umakyat sa hagdan. Ang taas eh. Actually din saka si Christian nahirapan. Effort kung effort talaga. So sumampa nalang si mannix sa balsa bago umakyat dun sa ramp. Pag dating sa kabila, inantay na lang namin mag low tide. para dun na kami dadaan sa ilalim. kala ko nga matatagalan. pero mga 30 mins lang ata bumaba na yung tubig. kaya kampante na kami dumaan sa ilalin nug rock. wew!
Bukas ulit! :)
0 comments:
Post a Comment