Saturday, May 21, 2011

Parting Time

Emo mode on... as if no one is reading...

Nakakalungkot pala talaga pag ikaw yung iiwanan. Dati kasi ako yung nangiiwan... ako yung umaalis... malungkot ako nun pero masaya kahit papaano kasi naihanda ko na yung sarili ko ahead of time. Bakit nga ba naiiyak pa ko eh matagal ko nang alam tong araw na to. In denial kasi ako nung mga nakaraan linggo. ngayon lang nag si-sinked in sakin na konti nalang talaga kami sa office... na dalawa nalang kami mag lalunch.

For the past 3 weeks feeling ko emotionally stressed ako. andyan kasi yung issue about laglagan, back stabbing and office politics. Wala ang focus ko sa work kasi affected much ako. Nasaktan kasi kami kaya ang tendency magalit sa mga taong involve. Kaya ayoko ng politika eh masakit sa ulo. I decided to move on. Forgive. Forget. Kahit ano. Bahala na sila kung ano gusto nila.

Looking at the bright side. Lahat ng ito plan ni Lord. Kaya wala dapat pagsisihan o ika-emo pa di ba? Everything will be alright. People come and go. The important thing is, they will be in your heart forever. Saka malamang sa malamang magkakasalubong pa din kayo sa labas ng office. Ndi man eh mag kikita pa din naman pag may lakad.

Pero kahit pa sabihin natin walang magbabago, aminin na nating may magiiba. Like schedule... syempre iba na ng oras ng pasok. pedeng maging busy sa trabaho. Saka pag meron nang bagong friends, syempre ndi maiiwasan magiba ng priority. so meron diba?

O well. Life must go on. Basta mamimiss ko team mates ko. Raquel, Michelle, Roman, Danny, Charlie, Jake, Pamela.






1 comments:

KissyLove said...

miss na din naman namin ikaw :D
ganon naman talaga, minsan ikaw ang nang iiwan, minsan ikaw ang naiiwan. whatever it is, parehas na may sadness kasi naging 2nd family mo na ung mga nakasama mo.

Post a Comment