Itinerary
A. Lusong WWII shipwreck
B. Coral Garden
C. Pass Island
My Experience.
After breakfast, we were off to see the corals in WWII Shipwreck. One hour daw na byahe sabi ng tour guide namin. It was raining, makulimlim ang buong paligid. Akala nga namin malamig ang tubig, pero di naman pala. This time, confident na ako bumaba sa tubig, pero syempre meron pa din hawak na life bout can. pero atleast kampante na ako makalayo ng bangka. It was all worth it! kiber kung umuulan... okei naman yung tubig ndi malamig... sakto lang. Nakakatuwa. Ang ganda ng mga isda at mga corals! antagal ko nga underwater lang, nakamasid, kasi aliw na aliw talaga ko pagmasdan sila lahat. Ang saya ng feeling na nahahawakan mo yung mga isda, ndi lang sa TV or sa picture. Iba't ibang kulay, hugis at laki sila. Ang ganda talaga ng Mother nature!
Next destination, Coral Garden. medyo malayo din. One hour travel. First time ko nakakita ng real Corals... kasi nga ndi ako lumulusong sa malalim. Ngayon, sobrang tuwa ko sa moment na to kasi ang ganda ganda pala nila pag masdan. Pero nanghihinayang din ako at the same time kasi wala ako underwater cam. I wanted to capture the moment. Buti na lang may cam yung friend ko. kaya na kuhanan pa din namin. Alam mo yung batang namamasyal sa isang magandang lugar na panay turo sa lahat ng nakikita nyang maganda. ganon kami nun. Kung malakas ang loob mo at keri mag papicture sa ilalim pede ka mag pahila sa tour guide at sya na din ang mag pipicture sayo sa may corals. Well syempre ako ndi pa. pero malay mo balang araw! hahaha! Super enjoy talaga! Medyo malakas yung current kasi maulan pero keri lang. Hinila naman kami pabalik sa bangka kasi kahit anong padyak namin ndi kami gumagalaw eh. hehehe.
Back in reality na!
0 comments:
Post a Comment