Friday, July 8, 2011

Coron, Palawan - Day Three

Tuesday, July 5, 2011

Itinerary
A. Lusong WWII shipwreck
B. Coral Garden
C. Pass Island

My Experience.

After breakfast, we were off to see the corals in WWII Shipwreck. One hour daw na byahe sabi ng tour guide namin. It was raining, makulimlim ang buong paligid. Akala nga namin malamig ang tubig, pero di naman pala. This time, confident na ako bumaba sa tubig, pero syempre meron pa din hawak na life bout can. pero atleast kampante na ako makalayo ng bangka. It was all worth it! kiber kung umuulan... okei naman yung tubig ndi malamig... sakto lang. Nakakatuwa. Ang ganda ng mga isda at mga corals! antagal ko nga underwater lang, nakamasid, kasi aliw na aliw talaga ko pagmasdan sila lahat. Ang saya ng feeling na nahahawakan mo yung mga isda, ndi lang sa TV or sa picture. Iba't ibang kulay, hugis at laki sila. Ang ganda talaga ng Mother nature!



Next destination, Coral Garden. medyo malayo din. One hour travel. First time ko nakakita ng real Corals... kasi nga ndi ako lumulusong sa malalim. Ngayon, sobrang tuwa ko sa moment na to kasi ang ganda ganda pala nila pag masdan. Pero nanghihinayang din ako at the same time kasi wala ako underwater cam. I wanted to capture the moment. Buti na lang may cam yung friend ko. kaya na kuhanan pa din namin. Alam mo yung batang namamasyal sa isang magandang lugar na panay turo sa lahat ng nakikita nyang maganda. ganon kami nun. Kung malakas ang loob mo at keri mag papicture sa ilalim pede ka mag pahila sa tour guide at sya na din ang mag pipicture sayo sa may corals. Well syempre ako ndi pa. pero malay mo balang araw! hahaha! Super enjoy talaga! Medyo malakas yung current kasi maulan pero keri lang. Hinila naman kami pabalik sa bangka kasi kahit anong padyak namin ndi kami gumagalaw eh. hehehe.


Then Pass Island. Solo namin yung isla. Dito na kami nag lunch. Alimango pa lang, solve na kami. Buti umaraw. Ang bait ni Lord talaga! Inikot namin yung island habang nag pho-photoshoot. Syempre ndi mawawala ang jump shot. Ang ganda ng view eh... parang wallpaper! Ang sarap sana dito na mag stay pa ng matagal pero kelangan daw namin bumalik sa port before 4pm. kasi nag lolow tide daw mahihirapan daw yung bangka makabalik. Well, yun ang pagkakaalam ko. ehehe.





At 5pm balik na kami sa town proper. Dito na kami bumili ng mga isda at pusit, dalahin namin sa Manila. Mura lang pero presyong torista na daw yun. Yung tourist guide na din namin ang magpapack para bukas deretso na kami sa airport.

Back in reality na!

Thursday, July 7, 2011

Coron, Palawan - Day Two

Monday, July 4, 2011

Itinerary
Coron Island Loop Tour
A. Siete Pecados
B. Cayangan Lake
C. Twin Lagoons
D. Atwayan Beach

My Experience.

On time kami for breakfast syempre. Sabi nila 7:30am eh. We had beef tapa, egg and fried fish. After ng change costume, we're off to Coron Island tour. Una naming pinuntahan ang Siete Pecados. It literally means "seven sins". According to google, seven sisters were punished after swimming against their parent's will. They were drowned and become seven island. Hmmmnn.

This is my first try to go down from the boat and see the corals below the sea. Well, scared ako sa umpisa pero after ibigay ni kuya ang life bouy can eh nakalayo na din ako ng boat. Kelangan daw namin mag praktis ngayon palang kasi bukas puro under water kami.


Then we went to Kayangan Lake. Pahirapan din pumunta. sabi pa nung guy na nakasalubong namin, eto yung tour na binayaran mo na pahihirapan ka pa. Oh well, 200 steps lang naman yung kelangan akyatin at babain para makapunta sa lake. Per ang ganda ng view sa taas. Half way, bago bumaba, makikita mo na ang magandang view ng lake. Ang sarap sa mata... napakarefreshing ng feeling. Picture taking muna habang nag papahinga... pababa naman ngayon papunta mismo sa lake. Then dun mo makikita yung magagandang rock formation. mapapa "wow" katalaga at maaamazed sa nature.


Lunch namin sa Atwayan beach. maganda yung sand dito... pino. Although maliit lang yung beach, relaxing pa din ng feeling. napakain din kami ng madami sa sarap food na dala ng aming tour guide. Inihaw na pork, pancit and seaweeds (lato ata tawag). Konting swimming at picture taking. maaraw naman. dito din cguro ako nag ka sunburn.

Last destination namin ang Twin Lagoons. Medyo effort din para makarating ka sa kabilang ibayo. Either sa ilalim ka dadaan... under water for 5 seconds or aakyatin mo yung rock na may more or less 15 steps at makipot na daan. Syempre naman matapang kami. inakyat namin! hahaha! Medyo nagkaroon ng konting tensyon kasi nahirapan si Mannix umakyat sa hagdan. Ang taas eh. Actually din saka si Christian nahirapan. Effort kung effort talaga. So sumampa nalang si mannix sa balsa bago umakyat dun sa ramp. Pag dating sa kabila, inantay na lang namin mag low tide. para dun na kami dadaan sa ilalim. kala ko nga matatagalan. pero mga 30 mins lang ata bumaba na yung tubig. kaya kampante na kami dumaan sa ilalin nug rock. wew!


Then balik na ulit kami sa lodge. At dahil maaga pa eh bumili na din kami ng mga souvenir sa shop. Tanong pa ako kung may Card sila baka kasi ma zero balance ako eh ehehe wala pala cash basis lang. sorry naman. :D After dinner, Photo ops ng Bea at John Lloyd scene sa room. Then bawian ng mga natalo sa tongits. ehehe


 Bukas ulit! :)

Coron, Palawan - Day One

Sunday, July 3, 2011
Itinerary
3:30 pm – See the town.
5:00 pm - Go up Mt. Tapyas for a panoramic view of the town and the islands
6:30 pm – Makinit Hot Spring
8:00 pm – Dinner at the lodge

The Experience.
Finally, after days of praying na sana maganda ang panahon during our stay in Coron... natuloy na din sa wakas. Maulap pero maaraw pa rin naman nung Sunday.



First time ko na last call sa flight, medyo nalate kasi kami kasi kumain muna kami ng lunch sa Pancake house. Ang tagal ng serving as usual. kaya ayun 12:15 na kami halos natapos. Pagkapasok namin ng immigration, konting picture taking at lakad tourista... hanggang sa i-annaounce na ang mga names namin dahil dapat eh nasa boarding gate na kami 30 mins before flight schedule. buti ndi naman kami yung huli.


We landed at Busuanga Airport ahead of schedule. swerte! We had our late lunch[again] at Coron Village Lodge then off to our first destination. Mt. Tapyas... Medyo ndi kami na orient na 724 steps ang kelangan namin akyatin kaya super dala kami ng bag.. we thought konting akyat lang then hot spring... medyo na shock lang kami nung nalaman namin na mega akyatan pala ang mangyayari... pati mga natutulog namin mga muscles at taba gulat na gulat!


Okei pa kami nung umpisa. habang dumadami ang baitang eh unti unting bumibigat din ang mga paa ko. Bawat upuan ata, along the way, bongang pahinga kami. Feeling ko kasi mag co-collapse ako. Ako na walang excercise at gymn! hahahaha! Good luck talaga di ba!? Pero lahat ng bagay nakukuha sa tyaga at determinasyon. kaya narating namin ang tuktok ng bundok after more or less 45 mins.


Worth naman pala ang aming pagod at hirap. We saw the sleeping giant, na according kay Christian eh me 2 inches lang na "toot toot". We saw the reclamation area na two years daw tinambakan and also the overlooking view on the town of Coron. Ang ganda!


Rest ng konti. Syempre ndi pwedeng walang jump shot! Kaya kahit namulikat ang mga binti eh go! sa 1..2..3..jump! Bago mag takipsilim eh bumaba na kami ng 724 steps ulit. Parang mas mahirap yung pababa kasi yung bigat mo sa paa lahat ang suporta unlike pag paakyat pede ka humawak sa railings at hilahin ang sarili mo.

After bumaba ng bundok eh dinayo na namin ang Makinit Hot Spring. Infairness! "HOT" talaga sya! Every 10mins daw kelangan mo umahon kasi nakaka dehydrate sya. then kelangan din basain ang ulo para ndi umakyat ang dugo. Sa unang lusong mo sobra sa init pero pag naka adjust na yung body mo carry na.


Before 7:30pm balik na kami sa lodge for a buffet dinner. We had beef rendang, coleslaw, and breaded fish. Yummy! and the unlimited coffee! At dahil mahaba haba pa ang gabi, we decided to play cards [Tongits]... may tayaan syempre. At first medyo talo ako... pero the last hits, ako na nakakuha! panalo pa din ako! woohoo!!!

Then we call it a day. Kelangan na mag rest para sa matinding laban sa day two. :)